Community service at hindi kulong o multa.
Ito, ayon sa Department of Justice (DOJ), ang katapat nang sinumang mahuhuling lumalabag sa quarantine.
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pinayuhan na niya ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na huwag arestuhin o ikulong ang mga violators sa halip ay ipatupad ang community service para sa quarantine violators lalo’t mahirap na ang buhay sa ECQ.
Ganito rin aniya ang rekomendasyon niya sa local government units.