Dumadami ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan ng Albay kung saan karamihan sa mga dinadapuan ng virus ay authorized person outside residence (APOR) tulad ng mga doktor, nurses, pulis, gayundin ang empleyado ng local government units.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Albay Governor Al Francis Bichara sa gitna na rin nang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Bichara, mataas ang community transmission sa lalawigan kung saan nakapagtatala sila ng 10 kaso kada araw.
Nagkaroon tayo ng community transmission. Dapat ay lahat ng pumapasok, specially ‘yung galing Maynila, dapat pinapa-check talaga, kaso, sinabi nila basta APOR pwedeng pumasok, labas-masok sila, ‘yun din ang kumakalat,” ani Bichara. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas