Posible nang mayroong community transmission dahil sa banta ng mabagsik na Delta variant ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ito ay ayon kay Professor Guido David, mayroon nang 300 bagong kaso ng Delta variant sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Dagdag ni David na naiintindihan nila ang Department of Health (DOH) kung wala pa itong nakikitang community transmission ng naturang variant ngunit sila ay independent group na nakabase sa statistics at sampling ng kanilang datos.
Aniya, dahil sa pagtaas ng kaso ng naturang variant ay maaari nang isipin natin na mayroong community transmission upang magdoble-ingat ang publiko sa bansa.
Ang banta ng variant ay isa sa mga nagpapahirap sa bansa dahil mas mabilis itong makapanghawa kumpara sa ibang variant ng COVID-19.
Una nang inanunsiyo na isasailalim ang Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) upang matuldukan ang pagkalat ng mas nakakahawang virus sa bansa.
Operational noong Hulyo 29 habang mayroong isa pang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.