Wala pang community transmission ng Monkeypox virus sa Pilipinas.
Ito’y ayon kay Dr. Ted Herbosa, dating National Task Force Against COVID-19 Medical Adviser, kasunod nang naitalang unang kaso ng naturang sakit sa Pilipinas.
Kaugnay nito, sinabi ni Herbosa na nagsasagawa na rin sila ng mga paghahanda sakaling magkaroon sila ng pasyente na mayroong Monkeypox.
Idinagdag pa ni Herbosa na manageable naman ang sakit ngunit dapat aniyang mapalawak ang testing partikular sa Visayas at Mindanao upang mapigilan ang paglaganap ng Monkeypox sa bansa.
”Self limiting naman siya kaya hindi takot ang ating mga DOH officials. Time to panic, hindi, time to close the borders, hindi. Kasi nga ‘yong illness, eh very much manageable,” pahayag ni Dr. Ted Herbosa, sa panayam ng DWIZ.