Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng kaso ng United Kingdom (UK) COVID-19 variant sa aabot sa 5 rehiyon sa bansa kabilang na ang Cordillera Administrative Region, National Capital Region (NCR), CaLaBarZon, Central Visayas, Northern Mindanao, at Davao Region.
Ito ay batay sa ulat ni DOH Secretary Francisco Duque III na aniya’y kulang pa upang kumpirmahing may community transmission na ng UK variant sa bansa.
Paliwanag ni Duque, wala pang matibay na ebidensya na nagpapatunay na sanhi ng pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa NCR ay ang bagong variant ng COVID-19 dahil patuloy pa itong nasa ilalim ng pag-aaral ng Philippine Genome Center at Research Institute for Tropical Medicine.
Ayon naman kay Spokesperson Maria Rosario Vergeire, pinaalalahanan na nila ang mga LGUs na mas paigtingin ang pagpapatupad ng minimum health protocols pati na ang pagsasagawa ng localized lockdown matapos makapagtala ng tatlong mutation ng COVID-19 sa Central Visayas.—sa panulat ni Agustina Nolasco