Tina-target din ngayon ng pamahalaan na gawing vaccination sites ang mga klinika ng mga pribadong kumpanya upang mas lalo pang mapalawig ang vaccination drive ng bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, nais dagdagan ng Department of Health (DOH) ang mga bakunahan at isa sa nakikita nila na maaaring mai-convert ay ang mga klinika ng mga malalaking kumpanya.
Una nang ginawang vaccination sites ng pamahalaan ang mga piling botika sa iba’t ibang parte ng bansa.
Nabatid na sa kasalukuyan, mayroong 7,400 aktibong vaccination sites ang bansa na nagresulta na ng 60.15 milyong Pilipino na bakunado nitong Pebrero a-siete.
Samantala, mayroon pang 2.5 milyong senior citizens at 220,000 indibidwal na may comorbidity ang hindi pa nababakunahan kaya kailangan pang palakasin ang vaccination drive.