Pagpupulungan ng mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang posibilidad ng pagbuo ng compensation package para sa mga mababakunahan kontra COVID-19 na makararanas ng matinding side effects.
Ayon kay PhilHealth President Dante Gierran, nakatakdang talakayin ito sa pulong ng PhilHealth board sa Huwebes.
Kasabay nito, tiniyak ni Gierran sa publiko na may pondo ang PhilHealth para sagutin ang pagpapagamot sa pinsalang maidudulot ng bakuna kontra COVID-19.
Una nang nanawagan si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa kongreso na magpassa ng indemnification law na kabilang sa requirements ng Covax facility.