Nais ni incoming president Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na masuri muna ang competitiveness ng bansa bago ituloy ang ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) trade agreement.
Ipinunto niya na ang estado ng pagiging competitive ng bansa ay maaaring maging hadlang sa bisa ng RCEP.
Ipinaliwanag ni Bongbong na ang sektor ng agrikultura ay dapat na matatag para harapin ang kompetisyon sa pagbubukas ng mga market.
Muli rin niyang iginiit na dapat munang tiyakin ng Pilipinas na handa itong makipagkumpitensya sa mga kapwa miyembrong bansa bago pumasok sa kasunduan.
Ang RCEP agreement, na nilagdaan ng Pilipinas kasama ang ASEAN members noong November 15, 2020 sa panahon ng 4th RCEP leaders’ summit ay ang world’s largest free trade area sa global trade.