Inaasahang Disyembre 2019 pa tuluyang kukumpleto ang rehabilitasyon ng Boracay.
Sa kabila ito nang itinakdang pagbubukas muli ng Boracay sa Oktubre 26 matapos ang anim na buwang pansamantalang pagpapasara.
Aminado si Atty. Richard Fabila, pinuno ng community environment and natural resources office Boracay na hindi pa matatapos ang road construction sa Oktubre 26.
Tanging ang mga hotel at resorts lamang aniya na papayagang makapa operate ay yung mga naka kumpleto sa requirements ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Tourism (DOT).
Sinabi ni Fabila na para hindi maapektuhan ang mga turista, hindi muna dadaan ang mga ito sa main roads kundi sa front beach tulad nang nakasanayan kung saan balak ng interagency task force na maglagay ng floating landing area.
Tiniyak ni Fabila na all systems go na ang muling pagbubukas ng boracay matapos maayos ang problema sa kalidad ng tubig gayundin ang mga depektibong drainage.