Tila bahagyang naging kampante ang mga residente sa mga lugar sa Visayas at Mindanao hinggil sa pagsunod sa mga safety protocols laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay kasi sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), lumalabas na bumaba ang compliance rating o pagsunod sa safety protocols, gaya ng pagsusuot ng face masks, face shields, at pagpapanatili ng physical distancing, sa mga lugar sa Visayas at Mindanao, kumpara sa nakalipas na survey noong Setyembre nang nakalipas na taon.
Habang tumaas naman ang compliance rating sa mga lugar sa Balance Luzon at Metro Manila mula ika-28 ng Abril hanggang ika-2 ng Mayo ng SWS surveys.
Sa kabila nito, sinabi ng SWS na mayorya pa rin naman ng mga Pinoy ang sumusunod sa mga health protocols.
Isinagawa naman ang naturang survey sa 1,200 adult Pinoys 300 katao mula sa Balance Luzon, gayundin sa Metro Manila, Visayas at Mindanao.