Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Compostela Valley ngayong araw ng Linggo.
Ayon sa PHIVOLCS, naramdaman ang pagyanig kaninang 8:28 ng umaga.
Namataan ang sentro ng lindol, 13 kilometers north at 44 degrees east ng Compostela Valley at mayroong tectonic na origin.
Wala namang napaulat na nasaktan o napinsala sa nangyaring pagyanig.
Samantala, niyanig din magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Eastern Samar pasado 8:00 kaninang umaga.
Naitala ng PHIVOLCS ang sentro ng pagyanig sa layong 53 kilometro hilaga ng San Policarpio.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at mayroon itong lalim na 15 kilometro mula sa episentro nito.
Wala namang napa-ulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar at wala na ring nakikitang aftershocks ang PHIVOLCS hinggil dito.
(Jaymark Dagala)