Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Compostella Valley kaninang madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, natukoy ang sentro ng lindol sa layong anim na kilometro hilagang silangan ng bayan ng Pantukan.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na dalawampu’t anim na kilometro.
Wala namang napaulat na napinsala at wala ring inaasahang aftershocks sa naturang paglindol.
—-