Isinailalim sa lockdown ang isang lugar sa Barangay NBBS Dagat-Dagatan sa Navotas City.
Ito, ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, ay upang maagapan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lugar.
Aniya, epektibo ang lockdown simula alas-5:01 ng umaga noong ika-5 ng Disyembre hanggang alas-11:59 ng hatinggabi ng ika-19 ng Disyembre sa Block 31, Lot 31 sa naturang barangay.
Ayon kay Tiangco, napag-alamang apat katao sa lugar ang nagpositibo sa COVID-19, habang 16 naman ang ikinukunsiderang persons under investigation (PUIs).
Dahil dito, kinakailangan din aniyang manatili sa bahay ang mga residente sa lugar at magpa-swab test.
Samantala, papayagan lamang makalabas ang mga essential workers kung magne-negatibo ang mga ito sa COVID-19 test, may company identification cars at certificate of employment.
Napilitan po tayong magpatupad ng lockdown sa Block 31, Lot 36 sa Brgy. NBBS Dagat-dagatan mula 5 December, 5:01am,…
Posted by Toby Tiangco on Monday, 7 December 2020