Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 6686 o ang Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms Act.
Layon nito na mabigyan ng ‘full crop insurance’ gayundin ng karagdagang tulong ang mga magsasaka na apektado ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol o maging ng mga peste.
Sa ilalim ng naturang panukala, inaatasan nito ang Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC na magbigay ng ayuda sa mga kuwalipikadong magsasaka at mangingisda mula sa kanilang mga pagkalugi.
Saklaw ng nasabing batas ang mga magsasaka ng palay at kopra tulad ng mais at kamote gayundin ang mga nasa sektor ng livestock o paghahayupan maging ng mga nasa sektor ng pangisdaan.