Lusot na sa ikalawang pagbasa sa kamara ang isang panukalang batas na magpapabilis ng proseso ng land registration sa Department of Agrarian Reform o DAR.
Sa ilalim ng House Bill 6589, pinaaapura nito ang paglalabas ng clearance o permits mula sa DAR para sa mga magpaparehistro ng lupa na saklaw ng CARP o Comprehensive Agrarian Reform Program.
Ayon kay Speaker Pantaleon Alvarez, principal author ng bill, isinusulong niya ang panukala dahil sa aniya’y talamak na red tape sa mga proseso sa gobyerno na kadalasa’y nagdudulot pa ng katiwalian.