Target ng Department of Energy at iba pang ahensya na maglabas ng comprehensive roadmap para sa Electric Vehicle Industry sa unang bahagi ng taong 2023.
Ito’y upang magabayan nang husto ang Electric Vehicle Industry sa layunin ng Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA).
Ang nasabing roadmap ay i-de-develop sa tulong ng partner agencies, gaya ng departments of transportation, trade and industry at science and technology.
Ayon kay Energy secretary Raphael Lotilla, nasa 9k EV na ang rehistrado at tinatayang 300 charging stations na ang idineploy sa buong bansa.
Hinimok naman ni Lotilla ang industry stakeholders na bilisan ang development, commercialization at utilization ng mga e.v. bilang alternatibo para sa transport sector.