Mahaba pa ang lalakbayin ng CTRP o Comprehensive Tax Reform Package ng Duterte administration bago ito maisabatas.
Pahayag ito ni Congressman Joey Salceda makaraang makalusot na rin sa House Ways and Means Committee ang panukalang batas.
Ayon kay Salceda, mayroong apat na bahagi ang CTRP, una na rito ang libreng buwis para sa mga kumikita lamang ng dalawandaan at limampung libong piso (P250,000) kada taon at mas mababang rate sa sosobra sa naturang halaga.
Lilimitahan na rin sa labing dalawang (12) sektor ang bibigyan ng exemption sa VAT, at pagpataw ng excise tax sa produktong petrolyo at sa mga sasakyan.
Dadalhin na ang CTRP sa House Appropriations Committee para pag-usapan ang pondo bago dalhin sa plenaryo para sa panibagong deliberasyon.
Nagpahayag ng pag-asa si Salceda na maiaakyat sa senado ang tax reform package bago magbakasyon ang Kongreso.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Congressman Joey Salceda