Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara ang panukalang nagpapalawak sa sakop ng compulsory insurance ng Overseas Filipino Workers (OFWs).
Nasa 180 ang sumang ayon at anim naman ang tutol sa House Bill 10802 na nag-aamyenda sa Republic Act 8042 o Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.
Nakasaad sa panukala na gagawing mandatory ang insurance coverage sa lahat ng OFWs kahit sa paanong pamamaraan pa nakuha ang kanilang employment sa abroad basta ito ay legal.
Kasama sa pinalawig na coverage ang OFWs na agency-hired, kasama rito ang rehires, direct-hires, gayundin ang mga government-hires.
Isasama na rin sa listahan ng benepisyo ng OFWs ang “temporary partial disablement”.