Isinisulong sa Kamara ni House Deputy Minority Leader at Buhay Representative Lito Atienza ang House Bill 6220 o panukalang batas na naglalayong magkaroon ng compulsory pre-shipment inspection ng mga kargamento.
Ayon sa mambabatas, sa bansa pa lamang na panggagalingan ng mga kargamento ay aalamin na ang mga laman nito bago ibiyahe sa bansa.
Ang naturang hakbang ay kasunod ng paglusot ng 6.4 na bilyong pisong halaga ng shabu sa Customs.
Idinagdag pa ni Atienza, pabor sa lahat ang nasabing panukala dahil bukod sa tataas ang koleksyon ng gobyerno ay hindi na rin kailangang maglagay ng mga lehitimong importers sa mga tiwaling tauhan ng BOC.
By Arianne Palma