Posibleng computer malware o mapaminsalang software ang isa sa mga dahilan ng pagbagal ng mga proseso sa Land Transportation Office (LTO).
Magugunitang araw-araw nang bumabalik ang mga kliyente ng LTO para magbakasakali na magpa-renew ng kanilang vehicle registration.
Sinabi ng LTO na ito ang nagdudulot ng pambuhos ng napakaraming transaksyon sa computer kaya nagkakaroon ng problema ang sistema na nagresulta ng pagbagal nito.
Agad namang sumaklolo ang Department of Information and Communications Technology (DICT) kung paanong maaaksyunan sakaling malware ang naging ugat ng nararanasang pagbagal ng naturang sistema.
Ipinabatid naman ng IT system provider ng LTO na posibleng inside job o pananabotahe ang nasa likod nito bunsod ng sadyang paglobo ng transaksyon tuwing office hours ng ahensiya.
Samantala, wala pang eksaktong petsa kung kailan matutuldukan ang isyu kaya pinalawig muna nila ang deadline para sa vehicle registration.