Kumilos na ang COMELEC at ikinasa na ang ilang security measures para maiwasan ang pagkakalantad ng mga personal na impormasyon ng mga rehistradong botante.
Kasunod ito nang pagkakanakaw sa desktop computer sa Wao, Lanao Del Sur na naglalaman ng biometrics date ng town voters at demographics date ng lahat ng registered voters sa buong bansa.
Ayon kay COMELEC Executive Director Jose Tolentino, Jr. ang nasabing insidente nuong January 11 ay iniimbestigahan na ng Wao PNP.
Sinabi ni Tolentino na kaagad naman silang nag provide ng isa pang computer para hindi maantala ang registration process.
By: Judith Larino