Dapat ng ayusin ng Commission on Elections ang computer systems nito upang matiyak na mahigpit ang kanilang security infrastructure matapos i-hack ng grupong Anonymous Philippines ang website ng poll body.
Ayon kay Lito Averia, Pangulo ng Philippine Computer Emergency Response Team, maaaring maging “cause for concern” ang pag-leak ng database ng COMELEC kung mananatili rito ang access ng mga hacker.
Kung ma-a-access anya ng mga hacker registered voters database, posible rin nilang i-sabotahe ang mga impormasyong nakapaloob dito.
Inihayag ni Averia na mananatiling bantad sa cyber-attack ang COMELEC website hangga’t hindi binabago ng I.T. Department ng poll body ang kanilang software o nag-i-install ng mas mabisang firewall system.
By: Drew Nacino