Walang dahilan para hindi gawin ang computerized elections.
Ayon ito kay Comelec commissioner George Garcia matapos isulong ng Namfrel ang pagbabalik sa manual vote counting sa mga presinto sa ngalan ng transparency.
Iginiit ni Garcia na nakabase sa mga batas ang pagsasagawa ng computerized elections kaya’t kailangan itong gawin.
Una nang inihayag ng Comelec na rerepasuhin nito ang kanilang kontrata sa Smartmatic incorporated dahil sa umano’y security breach sa system ng service provider para sa 2022 Elections.