Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mambabatas laban sa paggamit sa Cha-Cha o Charter Change para sa kanilang pansariling interes.
Sa kanyang talumpati sa Malacañang, muling nagbanta ang Punong Ehekutibo na ipasasara niya ang Kongreso kapag aniya’y umiral ang ‘selfish interest’ ng mga kongresista.
Ang pahayag ay ginawa ni Duterte bunsod ng inaani nitong kritisismo sa planong pag-amyenda sa Saligang Batas sa pamamagitan ng Constituent Assembly sa halip na Constitutional Convention.
Gayunman, sinabi ni Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas ng Ilocos Norte na pabor siya sa pagtanggal sa mga term limit.
Subalit, giit ni Fariñas, ang term limits ay nagiging ugat naman ng political dynasties sa bansa.
By Jelbert Perdez