Suportado nina Senate Majority Leader Tito Sotto at Minority Leader Ralph Recto, ang panukalang charter change by constitutional assembly.
Ayon kay Recto, mas mabuti ang Con-Ass kumpara sa constitutional convention o Con-Con, dahil mas matipid ang pagpapatawag dito.
Ipinaliwanag naman ni Sotto na kumpara sa Con-Con, mas praktikal ang Con-Ass.
Una nang naghain ng resolusyon si senate president pro tempore franklin drilon para sa pagbuo ng con con, habang iminungkahi naman ni sen. Migz zubiri ang pagsasabay sa baranggay elections sa oktubre, sa pagpili sa con con delegates.
Plebiscite
Posibleng maisabay sa mid-term elections sa 2019 ang plebisito para sa paglilipat ng sistema ng gobyerno sa pederalismo.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, kapag natukoy na ang mga probisyon na aamyendahan sa Saligang Batas, aabutin isang taon ang malawakang kampanya para dito.
Sinabi din ni Alvarez na nagpasya ang Kamara na suportahan ang constitutional assembly dahil bukod sa pagiging praktikal, mismong si Budget Sec. Benjamin Diokno ang nagrekomenda nito sa Pangulong Rodrigo Duterte.
By Katrina Valle | Jill Resontoc | Cely Bueno