Iginiit ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose Concepcion, III ang pagpapalawig sa paggalaw ng mga fully vaccinated.
Kasunod na rin ito ng pangamba ng airline companies na bumagsak ang kanilang industriya dahil sa mahigpit na travel restrictions.
Sinabi ni Concepcion na nakausap niya ang mga nasa aviation industry at nauunawaan niya ang concerns ng mga ito.
Binigyang diin ni Concepcion na dapat paluwagin ang restrictions sa fully vaccinated upang makabawi ang mga industriyang nalugi na ng bilyong piso kabilang ang aviation sector nuong nagsimula ang pandemya.