Nagbabala si Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion hinggil sa matagal na lockdown matapos ang buwan ng Agosto o umabot pa ng hanggang fourth quarter ng taon.
Ito ay bagamat pabor naman si Concepcion na ibaba sa MECQ mula sa ECQ ang quarantine classification ng National Capital Region hanggang Agosto 31.
Sinabi ni Concepcion na hindi naman nakakagulat at tama namang gawin ang paghihigpit sa quarantine lalo nat patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Dahil dito, iginiit ni Concepcion ang pagkakaroon ng vaccinated bubble o polisiya na pumapayag na tanging fully vaccinated people lamang ang dapat magkaroon ng access sa pampublikong sasakyan, workplace, malls at dinig establishments simula sa susunod na buwan.
Ito aniya kung kailan inaasahang 50% ng mga residente sa Metro Manila ay fully vaccinated na.
Binigyang diin ni Concepcion na dapat protektahan ang mga unvaccinated at gamitin naman ang mga vaccinated para sa consumer spending at mapagalaw ang ekonomiya.