Kanselado na ang lahat ng mga natitirang show ni Celine Dion para sa taong ito at hanggang 2024.
Inanunsyo ito ng pop icon sa kaniyang social media account dahil siya ay nakikipaglaban sa kakaibang neurological disorder.
Humingi naman ito ng paumanhin sa mga fans na naghihintay sa kaniyang shows at sinigurong babalik ito sa concerts kapag gumaling na.
Nabatid na noong nakaraang taon ay inamin ng 55-anyos na Canadian singer na siya ay nakararanas ng rare medical condition na nakakaapekto sa kaniyang pagkanta.