Kinansela ng grupong U2 ang kanilang nakatakda sanang concert ngayong weekend sa Paris, France kasunod ng malagim na terror attack .
Ang Irish band sa pagunguna ni Bono ay nasa Paris na sa nakalipas na mga araw at naghihintay na lamang ng Sabado at Linggo para sana sa kanilang performance.
Binisita ng grupo ang Bataclan concert hall at nag-alay ng panalangin sa mga inosenteng sibilyan na nasawi sa terror attack.
Inihayag ng grupo ang kanilang matinding pagkabigla sa malagim na insidente at ipinaabot ang pakikidalamhati sa pamilya ng mga nasawi at dasal para sa maagang paggaling ng mga nasugatan.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)