Tuloy ang Asian Leg ng Dangerous Woman Tour ng US Pop Singer na si Ariana Grande.
Ayon sa MMI Live, organizer ng nasabing concert ni Ariana, hindi nila ikakansela ang nasabing tour na nakatakda na sa South America, Central America, Mexico, Asia, Australia at New Zealand.
Ang European Leg ng nasabing tour ay itutuloy sa June 7 sa Paris.
Magsasagawa naman ng benefit concert si Ariana sa June 4 sa Manchester kung saan ang pondo ay ibibigay sa We Love Manchester Emergency Fund bilang tulong na rin sa mga biktima at pamilya ng mga nasawi sa pagsabog sa Manchester Arena noong Mayo 23.
Itinakda naman sa Agosto ang concert sa Pilipinas ni Ariana kung saan tinututukan na ng mga otoridad ang seguridad.
3 beauty queens magiging bahagi ng Philippine Independence Day Parade sa Amerika
Masasaksihan na ng mga Pilipino sa Amerika ang tinaguriang Triple Treat Special bilang paggunita sa kasarinlan ng Pilipinas.
Sa taong ito magiging bahagi ng Philippine Independence Day Parade sa Madison Avenue sa New York sa June 4 ang mga beauty queen na sina Pia Wurtzbach, Megan Young at Kylie Versoza.
Umalis ng bansa ang mga nasabing beauty queens noong Biyernes.
Pelikulang Wonder Woman pumalo ng higit P48-M sa PH
Pumalo ng higit 48 million pesos ang kinita ng pelikulang Wonder Woman sa pagbubukas nito sa mga sinehan sa Pilipinas.
Ayon kay Francis Soliven, General Manager ng Warner Bros. Philippines, kinabog ni Wonder Woman ang kinita sa opening day ng pelikulang Beauty ang the Beast na 47 million pesos.
Pumapangalawa ang naturang pelikula sa Fast and Furious 8 na tumabo sa takilya nang magbukas ito sa mga sinehan noong Black Saturday.
By Judith Larino / Rianne Briones