Kanselado na ang dalawang concert pa sana ni Grammy winner Chris Brown sa Hong Kong at Jakarta sa Indonesia.
Ito ay dahil sa hindi pa rin nakakalabas ng bansa ang grupo ni Brown matapos ang inisyung look out bulletin ng Department of Justice (DOJ).
Sinabi ni Chris Brown sa post niya sa kaniyang twitter account na tiwala siyang maaayos ang kanilang conflict bagamat nalilito pa siya sa pangyayari at tila misunderstanding lamang aniya ang nangyayari.
Ang look out bulletin ay kasunod na rin ng reklamo ng Iglesia ni Cristo matapos hindi siputin ni Brown ang New Year’s Concert sana nito sa Philippine Arena noong December 31, 2014.
Gulf Stream 450, eroplanong sinakyan ni Chris Brown (Photo Courtesy of : Raoul Esperas)
Samantala, tiniyak naman ng Bureau of Immigration (BI) na hindi pa nakakaalis ng bansa si Chris Brown.
Ito ay matapos inspeksyunin ng mga kawani ng Immigration ang Gulf Stream 450, ang eroplanong naghatid kay Brown papunta dito sa bansa.
Maliban dito, wala ding record na nagsabing nakalabas na si Brown at ang handler nito, na kasama sa kanyang look out bulletin.
Sa ngayon, nananatili sa isang hotel ang international singer.
By Judith Larino | Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)