Ipinagpaliban ni Justin Bieber ang kanyang Justice World Tour sa Las Vegas, matapos niyang magpositibo sa COVID-19.
Ayon sa kampo ng pop star, hindi naman ito nakararanas ng matinding sintomas ng sakit.
Nananatili anilang prayoridad ni Bieber ang kalusugan at kaligtasan ng kanyang mga fans at crew.
Nakatakda namang i-reschedule ang show sa Hunyo 28 at tiniyak ng kampo ni Bieber na maaaring mag-request ng refund ang kanyang mga fans para sa kanilang biniling tickets.