Kanselado na ang concert sa Pilipinas ng Korean King of Pop na si Rain.
Humingi ng paumanhin ang producer ng “Rise 2 Shine” benefit concert na gaganapin sana sa Araneta Coliseum mamayang gabi.
Ayon sa producer, huli na nilang nalaman na hindi nabayaran ng buo ang talent fee ni Rain matapos na mag-back out ang investors at sponsors nito sa Korea.
Lumalabas na may hindi pinagkasunduan ang kampo ni Rain at ng organizers ng concert.
Matatandaang mapupunta sana sa mga biktima ng krisis sa Marawi ang kikitain sa concert ni Rain.