Sa kauna-unahang pagkakataon, magkakaroon ng concert si Asia’s Nightingale Lani Misalucha sa Las Vegas strip sa darating na Nobyembre 22.
Makakasama ni Misalucha sa kanyang concert bilang guest ang batang tenor na si Jared Martin.
Dito sinabi ni Misalucha na masusubok ang kanyang versatility dahil bukod sa pagkanta ay ipapamalas din niya ang galing sa pagsasayaw at may bonus pang komedya.
Bahagi ng kikitain sa concert ay mapupunta sa Bantay Bata foundation bilang suporta sa mga inaabusong kabataan sa Pilipinas.
By: Ralph Obina