Nais paimbestigahan sa kamara ni Deputy Speaker Bernadette Herrera ang concession agreement ng pamahalaan sa Maynilad at Manila water.
Sa inihain nitong house resolution no. 1664, pinaiimbestigahan ni Herrera sa Committee on Government Enterprises and Privatization at Committee on Good Government and Public Accountability ang naturang ongoing negotiations.
Paliwanag ni Herrera, karapatan ng publikong malaman kung mayroong mga pagbabago na ginawa sa amended concession agreements sa dalawang water concessionaires.
Matatandaan noong 2019 ang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department Of Justice (DOJ) ang pagrereview sa concession agreements dahil sa probisyon nitong umano’y disadvantageous sa pamahalaan at sa publiko.
Noong Nobyembre 2020 naman nang aprubahan ni Pangulong Duterte ang ibinigay na rekomendasyon ng DOJ sa terms and conditions sa dalawang Maynilad at Manila Water.