Nangangamba ang isang miyembro ng ConCom o Consultative Commitee sa resulta nang isinusulong na federalismo.
Ito ayon kay Father Ranhilio Aquino, miyembro ng ConCom at dean ng San Beda Graduate School of Law ay dahil matatapos na bukas ang kanilang pag iral ng kanilang lupon base na sa Executive Order no.10.
Nakasaad sa nasabing kautusan ang pag-iral ng ConCom ng anim na buwan para tutukan at pag-aralan ang mga dapat amiyendahan sa konstitusyon tungo sa isang federal charter.
Sinabi ni Aquino na posibleng masayang ang kanilang pinagpaguran para balangkasin ang panukalang federal constitution dahil magkakaiba na ang pananaw ng mismong mga miyembro ng Duterte cabinet.
Ang pag kontra aniya ng ilang miyembro ng Kongreso ay inaasahan na ngunit kung ang mismong alter ego ng pangulo ang may ibang posisyon hinggil sa nais ng Pangulong Rodrigo Duterte at ito aniya ay seryosong bagay na nais nilang malinawan.