Inararo ng isang elf truck ang mga concrete barrier sa EDSA-Santolan tapat ng Camp Aguinaldo.
Ayon sa MMDA matapos araruhin ang mga concrete barrier diretsong bumangga sa pader ng MRT ang nasabing elf truck.
Dahil dito pansamantalang isinara ang EDSA busway sa bahagi ng EDSA Santolan bago mag flyover.