Pormal nang pinawalang bisa ang ‘toll holiday’ sa North Luzon Expressway (NLEX) na sakop ng lungsod Valenzuela, dakong alas-12:01 ng tanghali.
Ayon sa abiso ng Valenzuela City Local Government Unit, ito’y dahil sa isinagawang pag-uusap sa pagitan ng pamunuan ng NLEX at ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.
Ibig sabihin, muli nang maniningil ng bayarin sa mga toll matapos na ilabas ang ‘conditional lifting’ sa naunang ipinataw na suspension order sa business permit ng kumpanya.
Mababatid na, ayon sa Valenzuela City LGU, napagkasunduan ng dalawang panig ang pagpapairal ng ilang polisiya sa mga toll plaza na sakop ng lungsod.
Kabilang dito ang:
- pagtataas ng barriers sa lahat ng RFID lanes sa mga toll plaza na sakop ng Valenzuela City mula alas-5 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi araw-araw;
- ibababa naman ang barriers pagsapit ng alas-10:01 ng gabi hanggang alas-4:59 ng madaling araw sa lahat ng RFID lanes;
- pagbabalik ng cash lanes sa strategic locations sa mga toll plaza sa lungsod;
- magpapatupad ng upgrade sa RFID system at account management hanggang sa ika-30 ne Enero, 2021;
- at ang paglikha ng technical working group na bubuuin ng city government at NLEX personnel para magpatupad ng traffic at account management initiatives.
BREAKING: NLEX Toll holiday sa Valenzuela City, magtatapos na mamayang 12:01 ng tanghali. Ito’y matapos ipag-utos ni Mayor Rex Catchalian ang pagbawi sa suspensyon ng business permit ng NLEX Corporation sa ilang mga kondisyon https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/Nz1CnFVxHx
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 16, 2020