Tuloy na ang pamumudmod ng condom ng Department of Health (DOH) sa mga paaralan sa susunod na taon.
Ito ay matapos magbigay ng go signal ang Department of Education (DepEd).
Nilinaw naman ni Education Secretary Leonor Briones na limitado lamang sa mga junior at senior high school ang mga ipamimigay na condom ng DOH.
Tiniyak din ng DepEd na mayroon silang ipalalabas na panuntunan gaya ng pagkakaroon ng counseling sa mga mag-aaral bago ang tuluyang pagbibigay ng mga condom.
By Ralph Obina
Photo Credit: AP