Hindi mapigilang maging emosyonal ng aktres na si Coney Reyes matapos siyang mainit na salubungin ng kaniyang mga fans.
Ito ay matapos tumapak muli sa entablado ang aktres para sa ika-43 Anibersaryo ng noon-time show na Eat Bulaga.
Ayon kay Coney, masarap sa pakiramdam na makabalik sa programa na tahanan niya sa loob ng maraming taon.
Inihayag din ng aktres na marami siyang natutuhan mula sa kanyang mga co-host na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon.
Samantala, excited na ang beteranong aktres na makapagbigay ng isang libo at isang tuwa sa mga Pilipino. —sa panulat ni Hannah Oledan