Hinimok ng National Privacy Commission o NPC ang mga paaralan at government agency na paigtingin ang sistema ng kanilang seguridad upang matiyak ang “confidentiality” ng mga impormasyon sa oras na isalang sa drug test ang mga high school student.
Ayon kay NPC commissioner Raymund Liboro, kung hindi kakayanin ng mga paaralan at ahensya na pangalagaan ang mga estudyante ay hindi na dapat magsagawa ng drug test ang Department of Education at Commission on Higher Education.
Alinsunod anya sa batas ay maaaring kasuhan ang sinumang mabibigo na pangalagaan ang personal na impormasyon ng sinumang sumasailalim sa drug testing.
Magugunitang ipinag-utos ng DepEd at CHED ang pagsasagawa ng random drug testing sa secondary schools at tertiary institutions alinsunod sa comprehensive dangerous drugs law at bilang bahagi ng kampanya kontra iligal na droga ng gobyerno.