Ipagpapatuloy ngayong araw ang pagdinig ng Committee on Environment and Natural Resources ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang confirmation hearing kay Environment Secretary Gina Lopez.
Ito’y makaraang suspindehin kahapon ang pagdinig bunsod ng mainitang talakayan hinggil sa mga polisiyang ipinatupad ni Lopez sa DENR o Department of Environment and Natural Resources.
Nanindigan si Lopez na kaniyang itataguyod ang prinsipyo para sa kapakanan ng nakararami at matugunan ang kanilang mga pangangailangan nang hindi nako-kompromiso ang kalikasan.
Dalawa sa dalawampu’t dalawang oppositor o kontra sa kumpirmasyon ni Lopez ang nakaharap nito sa pagdinig at inaasahang marami pa ang sasalang mamaya.
Fair decision
Nangako si CA o Commission on Appointments Vice Chair at San Juan Representative Ronaldo Zamora na magiging patas sa kanyang magiging pagpapasya.
Kaugnay ito sa nakatakdang pagsalang muli ni Environment Secretary Gina Lopez sa confirmation hearing ng CA ngayong araw.
Magugunitang inakusahan ni Lopez ng pagiging impartial si Zamora sa kanyang kumpirmasyon dahil sa nasa mining industry ang pamilya nito.
Bagama’t kailangang dinggin ang panig ng mga tutol at sumusuporta kay Lopez, sinabi ni Zamora na sisikapin niyang tingnan ang kakayahan ni Lopez bilang kalihim.
By Jaymark Dagala