Ipinagbubuntis na ng actress/ TV host na si Toni Gonzaga ang first baby nila ng asawang si Direk Paul Soriano.
Ito ang kinumpirma mismo ni Toni sa ASAP, kahapon, April 17.
“Our love story ay nagbunga na and yes, God finally opened my womb and I’m expecting my first child,” pahayag ni Toni.
Aniya, isa sa unang nakaalam ng good news ay ang kanyang kapatid na si Alex.
Kitang-kita naman ang excitement at kasiyahan sa mukha ng soon to be mom matapos ang big announcement.
Matatandaang lumabas na ang mga balitang nagdadalang-tao si Gonzaga noon pang Pebrero pero walang naging kumpirmasyon mula sa couple.
Ikinasal ang dalawa noong June 2015.
Nakatakda ring gumawa ng bagong soap opera si Toni kasama sina Piolo Pascual at Jolina Magdangal na may titulong ‘Written In Our Stars’.