Nagpatuloy na ngayong araw ang conflict talks sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Mykhailo Podolyak, adviser ni Ukrainian president Volodymyr Zelensky at parte ng negotiating team, ginanap ang negosasyon sa pamamagitan ng video-conference.
Layon ng pulong na pagsama-samahin ang preliminary results ng mga unang naganap na pulong.
Nitong Pebrero 24 ngayong taon unang ipinag-utos ni Russian president Vladimir Putin ang pagpasok ng kanilang puwersa sa Ukraine.
Pero ngayong linggo, nagkaroon na ng positibong pagbabago sa usapan bunsod ng halos araw-araw na negosasyon.—sa panulat ni Abby Malanday