Hindi magbibitiw sa mayorya ng koalisyon sa kamara si Makati City Representative Abigail Binay.
Ayon kay Binay, magre-resign lamang ito kung sasabihan siya ni House Speaker Sonny Belmonte na magbitiw.
Sa ngayon, mananatili sa mayorya ng koalisyon sa kamara ang mga kasapi ng UNA o United Nationalist Alliance sa kabila ng pagbibitiw sa gabinete ni UNA standard bearer, Vice President Jejomar Binay.
Paliwanag ni Congresswoman Binay, kahit hindi kaalyado ng administrasyon, maaari naman silang maging parte ng mayorya sa kamara.
By Avee Devierte