Haharapin ni Congressman Antonio Floirendo ang isinampang reklamo ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Sinabi ni Floirendo na welcome ang nasabing kaso subalit inamin ng kongresista na nasaktan siya sa hakbang ng pinuno ng Kamara.
Malinaw aniya ang kaniyang konsensya dahil wala siyang ginawang mali o kinasangkutang krimen.
Ayon pa kay Floirendo, ang naging hakbang ni Alvarez ay nakakaapekto na rin sa kaniyang pamilya at maging sa mga residente ng Davao del Norte na kaniyang kinakatawan subalit wala naman aniya siyang magagawa dahil ganito aniya ang pulitika sa bansa.
By Judith Larino