Binigyang diin ni suspended Congressman Arnolfo Teves Jr. na hindi niya uurungan ang hamon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na umuwi na ng bansa at harapin ang mga kasong ibinabato laban sakaniya.
Ayon sa suspendidong mambabatas, uuwi lamang siya ng Pilipinas, kung tama nitong masasagot ang kaniyang tanong kaugnay sa kung papaano nagkasya ang labing tatlong katao sa isang 9-seater na eroplano at kung paano nagkasya ang anim na pasahero kasama na ang piloto sa isang 5-seater na helicopter.
Iginiit ni Cong. Teves, na walang ebidensiya ang Doj na nag-apply siya ng citizenship sa Timor Leste, dahil inililihis lamang ng ahensya ang usapin para lalo siyang madiin sa kaso.
Dagdag pa ng suspendidong kongresista, na may mga intel personnel sa pilipinas ang kumu-contact sa gobyerno ng Timor Leste, para alamin ang kaniyang kinaroroonan.