Tila dinepensahan ni Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang desisyon ng Quad Committee ng Kamara na ikulong si Colonel Hector Grijaldo.
Ayon kay Cong. Barbers, overall Chairperson ng Komite, kung totoo na umabuso ang Quad Committee sa pag-cite in contempt kay Grijaldo ay maaari itong kuwestyunin sa korte.
Aniya ang dahilang ng ang pagkulong ni Grijaldo, ay ang pagtanggi nito na humarap sa imbestigasyon kaugnay sa isyu.
Iginiit pa ng Mambabatas na apat na beses ng inimbitahan ng komite ang opisyal subalit hindi ito sumipot sa pagdinig kaugnay ng extrajudicial killings sa pagpapatupad ng war on drugs campaign ng administrasyong Duterte.
Bukod sa paninira sa mga miyembro ng Quad Committee, sinabi ni Barbers na maaari ring dahilan ng hindi pagdalo ni Grijaldo sa pagdinig ay ang nabulgar kaugnay sa pagpatay kay dating pgen. Wesley Barayuga, ang Board Secretary ng PCSO.
Si Grijaldo ang Hepe ng Mandaluyong Police ng patayin si Barayuga. Pagkatapos paslangin ay ipinasok ang pangalan ni Barayuga sa narco list ng Duterte administration. – Sa panulat ni Jeraline Doinog