Sinuportahan ng Lead Chairman ng House Quad Committee ang ikinakasang imbestigasyon ng Department of the Interior and Local Government sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil bukod sa bigo umanong nasugpo ang ilegal na droga ay naging dahilan ito ng lumalang corruption sa hanay ng Philippine National Police.
Una nang sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na magsasagawa sila imbestigasyon dahil lumalabas na nagkaroon ng grand conspiracy sa PNP para itago ang criminal activities sa loob ng organisasyon.
Ayon kay Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers, isang patunay aniya dito ang pagsasampa ng mga kaukulang kaso laban sa 30 Police Officers kasama na ang dalawang General hinggil sa gawa-gawang raid sa Tondo Manila noong 2022.
Bukod sa pagtatakip sa criminal activities sa PNP Officers, tututukan din sa imbestigasyon ng DILG ang sinasabing reward system na unang inamin ni dating Police Colonel Royina Garma sa Quad Committee ng Kamara.
Giit pa ni Barbers na dahil sa reward system, lumala ang ‘criminal enterprises’ sa loob ng institusyon na naatasang magpatupad ng batas. – Sapanulat ni Jeraline Doinog