FDA o Food and Drug Administration.
Ito ayon sa ilang mambabatas ang mayroong pinakamalaking pananagutan sa kontrobersya hinggil sa dengvaxia.
Sinabi ni Congressman Ferginel Biron, miyembro ng House Committee on Health, na napigilan sana ang kontrobersya kung ginawa ng FDA ang trabaho nito.
Ipinabatid ni Biron na malinaw sa batas na hindi maaaring pahintulutan ng FDA na makapasok sa bansa ang gamot o vaccine na hindi pa rehistrado sa country of origin.
Subalit hindi aniya ginawa ng FDA ang tungkulin nitong busisiin, ivalidate [validate] at sana ay naging maingat ang ahensya dahil dito nagsisimula ang lahat.
Inihayag pa ni Biron na hindi din nagpadala ang FDA ng red flag sa Department of Health o DOH para hindi na naideliver [deliver] ang dengvaxia sa bansa.